Nanindigan ang Department of Trade and Industry (DTI) na mataas ang naging pagsunod ng mga rice retailers sa ibinabang price ceiling ng gobyerno.
Ito ay kahit na na-monitor ang ilang mga pamilihang hindi sumunod dito dahil palugi na nilang ibinebenta ang kanilang mga bigas.

Ayon kay Trade Asec. Agaton Uvero – sa kabila ng mga insidenteng ito, sa pangkalahatan ay marami pa ring nag-comply sa Executive Order No. 39 ng Pangulo.
Tuluy-tuloy din daw ang pumapasok na murang supply ng bigas.
Paliwanag ng Trade official – bagamat paubos na ang stock ng bigas ng mga retailers – papasok na rin ang kapalit na supply para rito.