DTI, iminungkahi ang reopening ng iba pang indoor establishments gaya ng gyms at museums

Iminungkahi ng Department of Trade and Industry na mapayagan ang reopening ng indoor establishments tulad ng gyms at museums.

Sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez na hiniling nila sa technical working group na ikonsidera ang naturang proposal noong nakaraang linggo.

Anya, pwede naman ito gawin sa ligtas na paraan kahit sa pamamagitan ng low operating capacity lamang upang mapayagan na ang mga ito na makapagbukas.

Ipinunto ni Lopez na ang suhestyon nila ay mapayagan ang 20% capacity ng mga nasabing establishimyento sa National Capital Region Plus at iba pang mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine.

Inihayag ng kalihim na inaasahan niya na makakakuha ito ng sagot mula sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ngayong araw.

Una nang pinayagan ng gobyerno ang pagpapataas sa operating capacity ng indoor dining at ng mga nag-aalok ng personal care services, at maging ang pagbubukas muli ng operason ng venues na para sa mga meetings, conventions, at exhibitions sa NCR at iba pang lugar na nasa ilalim ng GCQ with heightened restrictions.

Iginiit ni Lopez na pwedeng mapayagan ang mga business establishments na mag-operate ang karagdagang 10% capacity nito kapag makakakuha sila ng safety seal na isang patunay na compliant ang kanilang negosyo sa minimum health protocols.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *