DTI-Isabela layong pagtuunan ng programa ang mga produktong maaari magawa sa palay at mais

Layunin ngayon ng Department of Trade and Industry Isabela na pagtuunan ng pansin ang mga programang makapagbibigay ng value adding conversion sa mga produktong palay at mais.

Ito ang kinumpirma sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kau DTI-Isabela Provincial Director Winston Singun.

Aniya, sa isinagawang signing ng Memorandum of Agreement para sa Rice Business Innovation System na ginanap sa Brgy. Malasin San Mateo Isabela.

Ang naturang MOA ay inisyatibo ng PHILrice katuwang ang DTI-Isabela, DA Region 2, DA-AMAD, DAR, NIA, PHILMECH, LGU at Mardag RiceBIS Association.

Ayon pa kay Dir. Singun ang tungkulin ng DTI rito ay ang pagtataguyod ng mga value adding conversion sa mga produkto na maaring gawin sa palay gaya na lamang ng handicrafts, kakanin at iba pang delicacies.

Samantala, muli namang hinikayat ni Dir. Singun ang mga mamimili na tangkilikin ang produktong lokal.

Habang pinaalalahanan naman nito ang mga negosyante na sumunod sa mga alituntunin ng DTI maging ang pagsunod sa mga health protocols dahil aniya maaring mabigyan sila ng safety seal mula sa ahensya sakaling mayroon ng ibininabang guidelines para rito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *