DTI: minominitor lang at hindi nila nire-regulate ang presyo ng mga Noche Buena items

Ipinaliwanag ng Department of Trade and Industry (DTI) na hindi sila ang nagreregulate sa mga presyo ng Noche Buena items, dahil ito naman umano ay hindi essential ot prime commodities.

Sa kabila nito, minomonitor parin nila ang presyo ng naturang mga produkto.

Sa gitna nito, tiniyak ni Trade Undersecretary Ruth Castelo na informed ang ahensya sakaling may overpriced ang mga retailers sa Noche Buena items.

Una nang sinabi ng DTI na nagtala sila ng price hikes sa 12 Noche Buena items, kabilang na ang ham, fruit cocktail, cheese, queso de bola, mayonnaise, sandwich spread, pasta, elbow macaroni, salad macaroni, spaghetti sauce, tomato sauce, at creamer.

Mababatid na naglabas din ang ahensya ng infographic na nagpapakita na ang P500 ay sapat na para sa simpleng Noche Buena, bagay na umano ng mga batikos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *