DTI, nakikita ang stable na presyo ng mga pangunahing bilihin sa ngayon

Nakikita ng Department of Trade and Industry (DTI) na walang pagtaas sa presyo ng mga basic commodities sa ngayon.

Pagtitiyak ni Trade Assistant Secretary Ann Claire Cabochan, na makakaasa ngayon ang mga mamimili na marami sa mga establisyemento ay nagbebenta ng kanilang produkto na mas mababa pa sa suggested retail price.

Mababatid na batay sa atest SRP bulletin ng DTI, na ang ilang items gaya ng canned meat at sardinas, processed milk, kape, tinapay, at noodles ay tumaas.

Sinabi ng ahensya na may mga requests para sa karagdagang increases para sa tinapay at canned meat at sardinas, pero ire-review pa umano ang mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *