DTI, nanindigang kaya nang makapaghanda sa Noche Buena sa halagang P1,000

Dinepensahan ng Department of Trade and Industry ang naging unang pahayag nito na kaya nang makabili ng isang pamilyang Pilipino ng kanilang ihahain sa Noche Buena sa halagang P1,000.

Sa isang panayam, nanindigan si DTI-Consumer Protection Group (CPG) Usec. Ruth Castelo na kakayanin na ng ganitong halaga ang handa sa hapag-kainan sa bisperas ng Pasko.

Aniya, na-compute na nila ito at napatunayan na nila.

Payo ni Castelo sa mga mamimili, maging wais at bumili ng mga naka-bundle na mga produkto.

Sa ganitong paraan aniya ay mas malaki ang matitipid ng mga mamimili pang-noche buena.

Muli namang ibinalita ni Castelo na nasa 200 mga produkto ang hindi magtataas-presyo ngayong Christmas season, ngunit may posibildiad na magmahal ito ng 10% sa susunod na taon.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *