DTI paiigtingin ang monitoring para matiyak ang price cap sa bigas

Asahan na ang mga gagawing inspeksyon ng Department of Trade and Industry o DTI sa mga pamilihan para matiyak na masusunod ang itinakdang price ceiling sa bigas.

Sa laging handa public briefing, sinabi ni DTI Secretary Alfredo Pascual na layon ng inilabas na Executive Order number 39 na matiyak na walang nangyayaring manipulasyon sa presyo ng bigas sa merkado, base raw kasi sa kanilang price monitoring, nakitaan ng biglang pagsipa sa presyo ng bigas nitong mga nakalipas na araw.

Magtutulungan ang DTI at Department of Agriculture sa paglilibot para matiyak na masusunod ang price ceiling, at mag iinspeksyon din para masigurong walang magagannap na mislabelling.

Hindi kasi kasama ang mga premium variety sa price ceiling.

Samantala nagbabala rin si Pascual na mahaharap ang mga retailers na hindi susunod sa price ceiling sa kaparusahang pagkakakulong na hindi bababa sa isang taon at hindi lalagpas sa sampung taon o multa na nagkakahalaga ng hindi bababa sa 5 libong piso at hindi lalagpas sa isang milyong piso o pwedeng pareho.

Sa mga supplier naman na magmamanipula ng presyo ng bigas, mahaharap din sila sa 5 taong minimum na pagkakakulong at hindi lalagpas sa 15 years, o kaya’y multa mula 5 thousand pesos at hindi lalagpas sa dalawang milyong piso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *