DTI So.Cot nagbabala laban sa mga substandard na mga Christmas lights

KORONADAL CITY- HINIHIKAYAT ng Department of Trade and Industry o DTI South Cotabato ang mga consumers na bumili lamang ng mga certified Christmas lights na gagawing dekorasyon sa kanilang mga bahay ngayong Christmas season.

Ayon kay DTI South Cotabato provincial director Rictoniel Reginio na dapat ay yaong mga Christmas lights lamang na may Product Standard o PS mark at Import Commodity Clearance o ICC sticker ang bilhin upang masiguro na ligtas at dekalidad ang binibiling produkto upang makaiwas sa sunog o anumang sakuna.

Kaugnay nito, umapela si Reginio sa mga mamimili na huwag tangkilikin ang mga uncertified at substandard na mga Christmas lights.

Nagbabala din ang opisyal sa mga business establishments na nagbebenta ng substandard na produkto na maaari ang mga itong makasuhan sa paglabag sa Deceptive Sales Act and Product Standards law.

Nakasaad sa batas na maliban sa pagkumpiska sa mga uncertified products, ang mga establishments ay maaari ding pagbayarin ng multang P 25,000 hanggang P 300,000.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *