DTI Sorsogon, kinilala ang 8 youth entrepreneurs dahil sa kanilang husay sa makabagong kaalaman sa pagnenegosyo

Kinilala ng Department of Trade and Industry (DTI)-Sorsogon ang 8 Youth Entrepreneurs sa lalawigan sa kanilang kahusayan sa makabagong kaalaman sa pagnenegosyo.

Ayon sa DTI, ang nasabing mga Youth Entrepreneurs  ay ang mga nagpamalas ng kanilang mga kaalaman sa pagnenegosyo sa makabagong panahon matapos na pumasa ang Business Improvement Plans (BIP) ng mga ito sa ilalim ng Kapatid Mentor Microenterprises o KMME Program ng DTI.

Ang nasabing mga youth entrepreneurs ay sina Danica Evasco, Aldwin Jeryl Deduque, Jazmine Faith Japinan, Georgie Aringo, Sahara Ame Aliven, Gretchen Fidelson, Leslie Grace Lasala at Kathryn Gino na pawang bumuo ng kanilang mga sariling BIPs.

Ang nasabing programa ay may 10 module ng entrepreneurship program kung saan nakapaloob ang iba’t ibang konsepto ng pagnenegosyo, kabilang na ang pagdevelop at ang pagsustain ng kanilang mga negosyo sa makabagong panahon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *