DTI Sorsogon walang namonitor na pagtaas sa presyo ng mga school supplies

SORSOGON CITY—Kumpiyansa ang Department of Trade and Industry (DTI) Sorsogon na walang maitatalang pagtaas sa presyo ng mga school supplies ngayong nalalapit na ang pasukan.

Sa panayam ng Brigada News FM Sorsogon kay DTI Consumer Protection Division Head Teodora Laguna, sinabi nito na base sa kanilang monitoritng mula pa noong taong 2019 ay wala silang naitalang pagtaas sa presyo ng mga pangunahing school supplies tulad ng notebook.

Katunayan anya, mas bumaba pa nga ang presyo ng ilan sa mga ito kung kaya’t napakababa rin umano ng tyansa na magtaas ang presyo ng mga ito sa ngayon.

Paliwanag ng opisyal, maliban sa nagkaroon ng pandemya kung saan bumaba ang demand ng ibang school supplies ay padami rin ng padami ang mga brand ng mga ito na nagreresulta sa mababang presyo dahil sa kompetensya.

Gayunpaman, sinabi ng opisyal na  sakaling makaranas ng hindi makatarungang presyo sa mga school supplies ngayong enrollment period ay bukas ang kanilang tanggapan upang imbestigahan at papanagutin ang sinumang mga negosyante o tindahan na lalabag sa Suggested Retail price.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *