DTI: Thai firms, nangako ng expansion ng kanilang presensya sa PH

Nagpahayag umano ng intensyon ang mga Thai companies na palalawakin ang kanilang presensya sa Pilipinas.

Ayon kay Trade Secretary Alfredo Pascual, na kabilang sa mga sektor na kinabibilangan ng naturang mga kompaniya ay sa construction, agriculture, retail, at renewable energy.

Hindi naman ipinaliwanag ni Pascual ang expansion plans, dahil ang mga kompaniyang ito ay pribado, kaya ang kanilang mga hakbang ay “proprietary.”

Samantala, sinabi nito na nakikipag-ugnayan na ang Pilipinas para sa Free Trade Agreement (FTA) sa South Korea, na target malagdaan sa unang quarter ng 2023.

Mababatid na sa sidelines ng APEC Summit sa Bangkok, nagkaroon ng bilateral meeting ang kalihim sa kanyang Thai counterpart na si Minister Ahn Duk-Geun, kung saan napagkasunduan ng dalawa na palalakasin ang economic ties sa pagitan ng dalawang mga bansa. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *