CAMARINES NORTE – Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na kanilang imomonitor ang bentahan ng mga Christmas lights ngayong malapit na ang holiday season.
Ayon kay DTI OIC- Regional Director Dindo Nabol, tututukan umano ng Consumer Protection Division ng DTI Provincial Office ang mga pailaw upang matiyak na hindi substandard ang mga ito na maaaring magdulot ng kapahamakan.
Mababatid na taon- taon naman kapag sumasapit ang ganitong panahon ay nagpapaalala talaga ang ahensiya sa publiko na kailangan malaman kung may Philippine standard mark ang Christmas lights.
Para naman sa mga noche buena products, naghihintay pa umano ang local offices ng DTI sa ibabang update ng kanilang national office kung mayroon bang nag petisyon o humiling sa ahensiya ng pice increase.
Tiniyak ng ahensiya na sa sandaling magbaba na ng Suggested Retail Price (SRP) ang national office ay ito naman ang kanilang ipapatupad sa lokalidad. Nang matanong kung posible bang magtakda rin ng price cap sa noche Buena products, tugon ng opisyal
