Dugo para sa KaBrigada 2023 sa Naga naging matagumpay

NAGA CITY- Ikinagalak ng Philippine Red Cross ang buong pusong partisipasyon ng mga organisasyon at walk in sa Dugo Para sa KaBrigada 2023 ng Brigada Mass Media Corporation kasama ang  Brigada Foundation, Inc at ang nasabing humanitarian organization.

Umaga pa lamang  nitong Abril 29, 2023 dumating na ang mga personahe ng 9th Infantry Division Philippine Army,  Naga City Police Office, Camarines Sur Police Provincial Office,  mga personahe ng barangay na nais mag donate at walk in.

Malaking bagay ito para sa Red Cross at Department of Health lalo na sa mga sumasailalim ng operasyon, cancer treatments at iba pang kailangan masalinan ng dugo.

Pero naging strikto ang mga health care workers at red cross personnel sa pagsala ng mga kukunan ng dugo. Dumaan sila pre-donation interview , bukod sa kanilang blood pressure at timbang, inisa-isa ang mga magdodonate kung hindi puyat, hindi uminom ng alak at walang iniindang sakit ngayon. Naging magigpit din sa temperatura dahil sa banta ng COVID-19. Mahigit 50 ang attendees, 26 naman ang successful donors. May mga hindi naging kwalipikado.

Isa sa mga nagdonate si Jose Cordovales na residente ng Canaman, narinig niya aniya sa radyo ang taunang aktibidad kaya naman sa muli hindi siya nagdalawang isip na mag donate para makatulong sa kapwa.

Ikinatuwa ng donors ang kaunting pasasalamat ng BNFM na certificates, souvenir, snacks at grocery sa mga walk-in at mga katuwang sa barangay.

Sinabi ni Tony Macatangay ng Blood Service Department ng Red Cross-Camarines Sur na bukod sa maganda sa kalusugan, mabilis din makakakuha ng dugo ang isang blood donor kung siya naman ang nangangailangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *