Dumagat youth sa Quezon, sumailalim sa self-empowerment session ng DSWD

Batanagas City –

Sumailalim sa isinagawang self-empowerment session ng Department of Social Welfare and Development o DSWD REGION lV-A, ang nasa tatlumpu’t limang kabataan na kabilang sa Dumagat Indigenous People sa Burdeos, Quezon.

Ito ay sa ilalim ng programa ng DSWD na Enhanced Support Services Intervention para sa mga benepisyaryo ng 4Ps, partikular na sa mga grupo ng katutubo.

Tinalakay sa naturang sesyon ang iba’t-ibang aspeto na kinakailangan upang mas maging mahusay ang mga kabataan sa Dumagat.

Binigyang pansin din ang karapatan nila bilang parte ng indigenous people, at kahalagahan ng pagkakaroon ng self-awareness.

Samantala, ayon naman sa mga dumalo marami silang natutunan at mas napalawak ang kanilang kaalaman pagdating sa ganitong usapin. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *