Dumi at ihi ng baka ginagamit pangontra sa COVID-19 sa India

Nagbabala ang doktor sa bansang India sa paggamit ng dumi at ihi ng baka laban sa COVID-19.

Ilan kasi sa mga residente sa bayan ng Gujarat sa Western India ang naniniwalang kayang magpagaling ng corona virus disease at makapagpalakas ng immune system ang mga dumi galing sa naturang hayop.

Nabatid na sa Hinduism, ang baka ay isang sagradong hayop na sumisimbolo sa buhay at mundo.

Kaya naman may mga deboto ang nagsasagawa ng ritwal isang beses kada linggo sa pamamagitan ng pagpahid ng dumi at ihi ng baka sa kanilang buong katawan sa paniniwalang ito ay ‘therapeutic’ at ‘antiseptic’.

Magugunitang nahaharap ngayon ang India sa COVID-19 surge kung saan pumalo na sa 22.66 million ang kaso dito at mahigit 200,000 cases naitatala sa naturang bansa kada araw. (LEY BAGUIO)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *