Duque, di bayani sa COVID-19 pandemic; Dapat sisisihin sa bigong response – Drilon

Umalma si Senate Minority Leader Franklin Drilon sa pronouncement ni Pangulong Rodrigo Duterte na bayani si Health Secretary Francisco Duque III sa likod ng “good COVID-19 response” ng gobyerno.

Ayon kay Drilon, bigo ang pamumuno ng gobyerno sa COVID-19 pandemic, at si Duque umano ang kailangang sisihin nito.

Kabilang sa mga tinukoy ng senador ay ang kabiguan ni Duque na agad irekomenda ang pagpapasara sa borders sa China nang unang pumutok ang pandemya noong January 30, 2021, nang maitala ang unang kaso na isang 38-anyos na babae mula sa Wuhan, China na pumasok sa Pilipinas.

Dahil dito, ang mahigit 17,000 fatalities at mahigit isang milyong kaso ngayon ay dahil umano sa unang error.

Maliban dito, inalala pa ni Drilon ang naunang pahayag ni Locsin kung saan makakakuha sana ang Pilipinas ng 10 million doses ng bakuna mula sa United States-based pharmaceutical Pfizer, pero may isa umanong nag “dropped the ball,” na kalaunany nalaman na hindi pala naisumite ng kalihim ang confidentiality agreement. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *