Duque, handang humarap muli sa Senate probe

Handa na muli si Health Secretary Francisco Duque na humarap sa Senate Blue Ribbon Committee kaugnay sa alegasyon na may kinalaman sa overpriced umano na COVID-19 supplies na nabili ng kaniyang ahensya.

Inihayag ito ni Duque sa Senate hearing para sa P242-billion proposed budget ng Department of Health sa kabila ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagbabawal sa mga opisyal ng gobyerno na magpartisipa sa inquiries ng Senado.

Doon ay natanong ni Senate Minority Leader Franklin Drilon sa kalihim kung sangayon ba ito sa panawagan ng 300 doktor, kabilang na ang 5 dating health secretaries, na maipagpatuloy ang probe kaugnay sa mga anomalya sa Pharmally Pharmaceuticals.

Ipinunto ni Duque na sangayon siya sa kaniyang mga kapwa doktor “in principle” dahil kailangan nilang ilabas ang katotohanan.

Gayunman, sinabi ng kalihim na kailangan rin ng DOH officials na pagtuonan ng pansin ang mga pangangailangan ng taumbayan sa panahon ng state of public health emergency.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *