Handa pa rin makipagtulungan si Health Sec. Francisco Duque III sa nagpapatuloy na imbestigasyon kaugnay sa paggasta ng gobyerno sa COVID-19 funds.
Ito ay sa kabila ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagbabawal sa mga miyembro ng gabinete na dumalo sa imbitasyon ng senate blue ribbon committee.
Paliwanag ni Duque bilang alter-ego ng Pangulo kailangan nilang sundin ang utos sa kanila ng punong ehekutibo.
Subalit nilinaw ng kalihim handa nilang ibigay ang mga hihingiing dokumento ng senado kung pormal itong susulat sa DOH.
Binigyan diin naman ni Duque na simula’t sapul naman ay lagi siyang present sa mga pagdinig ng Senado at Kamara.
Magugunitang tinawag ni Pangulong Duterte bilang ‘in aid of election’ at hindi ‘in-aid of legislation’ ang ginagawa umanong pagdinig ng senado sa PPE purchase ng gobyerno sa kumpanyang Pharmally.