Duterte: Illegal drugs, korapsyon nananatili parin

Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na nananatiling present ang problema sa ilegal na droga at korapsyon sa Pilipinas, sa kabila ng mga reporma na ginawa ng gobyerno.

Sa kanyang final State of the Nation Address, ipinaliwanag ni Duterte na ang korapsyon ay isang termino na pagnanakaw sa pera ng mga tao na nakakasira tungo sa layunin at adhikain ng bansa.

Samantala, mababatid na ang giyera kontra ilegal na droga ay isa sa mga kampanya na ipinangako ni Duterte, kung saan tiniyak nito na mabubura umano ang naturang problema sa loob lang ng tatlo hanggang anim na buwan, simula ng kanyang pag-upo sa pwesto noong 2016.

Simula naman nang magsimula ang kontrobersiyal na anti-narcotics campaign, lumalabas sa bagong datos ng gobyerno na nasa 203,715 ang kabuoang drug operations ang isinagawa kung saan 6,147 drug suspects ang napatay, 293,841 iba pang ang naaresto ng mga otoridad, kung saan 12,356 dito ay mga high value targets. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *