Ipinag-utos ni Vice President and Department of Education (DepED) Secretary Sara Duterte ang pagsasagawa ng Management Review (MR) para ma-redevelop ang management sa Central Office.
Alinsunod sa nagpapatuloy na improvement ng Quality Management System (QMS), isinagawa ng DepEd ang Strand Management Review on Organization and Workforce Capacity noong nakaraang buwan.
Ang Management Review (MR) ay ang preliminary activity sa “reengineering” ng DepEd, na naglalayun din na tiyakin ang alignment ng mandato, processes, at mga sistema sa Basic Education Development Plan 2030 (BEDP 2030).
Ayon kay Undersecretary for Human Resource and Organizational Development, NEAP, at TEC Gloria Jumamil-Mercado, ipinag-utos ni Duterte ang pagsasagawa ng MR para ma-redevelop ang management sa Central Office para lalong matulungan ang school-level governance sa departamento.
Dagdag ng DepED na sa gitna ng MR, tinalakay ang status of actions mula sa mga nakaraang management committee meeting, customer satisfaction at feedback, at ang Programs, Activities, and Projects, at iba pa, na dinaluhan ng kani-kanilang Undersecretaries, Assistant Secretaries, at Bureau and Service Directors o Heads of Offices.
CAMARINES SUR — Nagkalat ngayon sa kasentruhan ng Tigaon, Camarines Sur ang mga namamalimos na…
NAGA CITY- Problema pa rin sa lungsod ng Naga ang polusyon sa plastik sa kabila…
LEGAZPI CITY – Naarestar an sarong 25 anyos na lalaki sa isinagibong operasyon sa Purok…
LEGAZPI CITY – Nagsagibo nin Beekeeping Workshop an Albay Provincial Agricultural Office (APAO) sa Beefarm,…
LEGAZPI CITY – Pigsiyerto kan Philippine National Police – Police Regional Office 5 (PNP-PRO5) an…
Inihayag ng pamilya ni Marjorie Saquing Ancheta, ang nasawing OFW sa United Arab Emirates at…