Duterte, nais protektahan ang sarili mula sa drug war claims via 2022 poll win – solon

Binigyang diin ni Bayan Muna Representative Carlos Zarate na tinitiyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na siya ay mapoprotektahan mula sa akusasyon kaugnay sa drug war sa pamamagitan ng pagtakbo at pagsulong sa kanyang pagkandidato sa 2022 elections.

Dagdag ni Zarate, gusto umanong ma-extend ni Duterte ang kanyang impluwensya at kontrol sa pamamagitan ng pagtitiyak na ang kanyang successor ay magmumula sa kanyang pangkat.

Matatandaan na noong Lunes, hiniling ng prosecutor ng International Criminal Court ang authorization para buksan ang full investigation kaugnay sa drug war killings sa Pilipinas, kung saan maaring nagawa umano ang crimes against humanity.

Nabatid na batay sa datos ng gobyerno, mula nang maupo sa pwesto si Duterte noong 2016 hanggang sa katapusan ng Abril nitong taon ay nasa 6,117 drug suspects na ang napapatay ng mga otoridad. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *