Duterte, nangakong mangangampa vs Gordon, sakaling tumakbo sa 2022 poll

Tila lumalala ang sigalot sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Senator Richard Gordon, matapos na tiyakin ng pangulo na mangangampanya siya laban sa senador, sakaling tumakbo ito sa 2022 elections.

Si Gordon ang nangunguna ngayon sa imbestigasyon ng Senado kaugnay sa mga iregularidad sa expenditures ng gobyerno sa COVID-19 response, na nag-udyok sa galit ni Duterte.

Una nang iginiit ng punong ehekutibo na walang korapsyon sa likod ng emergency purchases.

Matatandaan na inakusan na rin ni Duterte ang ilang senador na nagsasagawa ng legislative inquiries para lang sa “exposure” para sa nalalapit na halalan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *