Duterte, nangakong susuportahan PDP-Laban bets sa 2022 polls ng ‘sako-sakong’ pera

Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na susuportahan ang kampanya ng political aspirants ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban), kabilang na ang pagbibigay ng ‘sako-sakong pera.”

Ayon kay Duterte na siyang chairman ng isa sa faction ng ruling party, na bagama’t posibleng hindi siya makakadalo sa lahat ng political meetings, tiniyak nito sa lahat ng miyembro ng PDP-Laban na ikakampanya ang gaito para sa susunod na taong general elections.

Hindi naman malinaw kung ang naturang pahayag ay isa lang sa kanyang trademark outrageous remarks na itatanggi ng kanyang mga Cabinet officials bilang biro, at hindi dapat seryosohin.

Kasabay nito, hinimok ng pangulo ang PDP-Laban party members na tiyakin ang integridad ng halalan para sa kani-kanilang posisyon, sa kabila ng hamon na posibleng harapin. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *