Duterte, pinayagan si Duque, Galvez na tapusin ang ‘storya’ sa Senate probe

Pinayagan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Health Secretary Francisco Duque III at vaccine czar Carlito Galvez Jr. na ituloy ang pagdalo sa imbestigasyon ng Senado kaugnay sa umano’y overpriced na pagbili ng medical items.

Ayon kay Duterte, kahit paulit-ulit na naman, ay naumpisahan na kaya papayagan umano niyang kompletuhin ng kanyang mga opisyal ang ‘storya’.

Inasatan nito ang dalawang kalihim na sabihin kung anu lang ang totoo, at hayaan si Sen. Richard Gordon, ang chairman ng Senate blue ribbon committe na ipinakita ang kanyang ‘stupidity’.

Matatandaan na sa mga nakaraang talumpati ng pangulo, inatasan nito ang kanyang Cabinet officials na kumuha muna ng clearance mula sa kanya bago dumalo sa mga imbestigasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *