Duterte sa LGUs : Hanapin mga taong di pa bumabalik para sa kanilang 2nd COVID vaccine dose

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga local government units na hanapin ang mga indibidwal na hindi nagpabakuna para sa kanilang ikalawang dose ng COVID-19 vaccine.

Kaugnay nito, hinimok ni Duterte ang mga nakatanggap na ng first dose na tapusin hanggang sa ikalawang dose dahil ang COVID na ito umano ay sobrang toxic na maaring muling nakahawa sa isang indibidwal.

Sa gitna nito, hinikayat ng pangulo ang publiko na mahigpit na sundin ang minimum health standards, bilang ang bakuna ay karagdagang proteksyon lang.

Una nang sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na may ilang vaccine recipients na hindi nakarating sa kanilang schedule para sa second dose dahil umano sa posibleng illness o personal matters.

Ayon sa Department of Health, mahigit 9% o 113,000 indibidwal ang hindi bumalik para sa kanilang ikalawang dose schedule. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *