Duterte sa mga ahensya: Tukuyin ang mga savings sa ilalim ng 2020 budget

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng executive branch agencies at offices na tukuyin ang savings mula sa kani-kanilang 2020 budgets.

Sa paglagda nito ng Administrative Order No. 41, inatasan ng pangulo ang lahat ng heads ng mga ahensya at offices na magsumite ng reports kaugnay sa kanilang compliance sa Department of Budget and Management (DBM) sa loob ng 15-araw.

Kaugnay nito, ipinag-utos rin sa DBM na irekomenda ang halaga na maidedeklara bilang savings, maging ang deficiencies sa budget items na kailangang ma-augment, kabilang na ang posibleng cash aid para sa mga taong apektado ng pandemya.

Mababatid na sa ilalim ng 2020 General Appropriations Act, ang savings ay tinutukoy bilang portions o balances ng anumang released appropriations na hindi pa nailalabas dahil sa completion, discontinuance, o abandonment ng programa, activity, o project.

Ang savings ay kinabibilangan rin ng pondo na unobligated dahil sa pagpapatupad ng mga measures na nagreresulta sa improved systems at efficiencies, at naihahatid ng ahensya ang kanilang layunin para sa mas maliit na cost.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *