Duterte, tiniyak na po-protektahan ang mga pulis at sundalo kahit na bumaba na ito sa puwesto

Ilang araw bago tuluyang magpaalam si Pangulong Rodrigo Duterte sa Palasyo – muli nitong iginiit na sagot niya ang mga Pulis at mga Sundalo sa mga kahaharapin nitong kaso kahit na hindi na siya ang Punong Ehekutibo ng Republika ng Pilipinas.

Ayon sa Pangulo, kahit na hindi na siya ang Pangulo ay maaari pa rin naman siyang magbigay ng libreng ‘legal help’ sa mga ito lalo na kung hindi naman daw talaga sila nang-abuso ng kanilang kapangyarihan habang ginagawa ang kanilang tungkulin.

Kumpyansa si Duterte na kung wala naman silang ginagawang mali – kaya niyang i-justify ang kanilang mga aksyon.

Muli rin nitong binalaan ang International Criminal Court at sinabing ‘wag nang pakialaman pa ang mga programa ng gobyerno.

Aniya, walang hurisdiksyon ang ICC na imbestigahan ang kanyang kampanya laban sa iligal na droga lalo na’t kumalas naman na ang Pilipinas dito.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published.