Duterte, umapela sa susunod na administrasyon na ituloy ang ilang programa

Halos isang linggo na lamang bago pormal na bumaba sa Malaacañang, umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na pangulo ng republika na ipagpatuloy nito ang ilang mga programa na nagpapasaya sa mga Pilipino.

Sa pagharap ni Duterte sa Davao City, sinabi nitong umaasa siya sa liderato ni President-elect Bongbong Marcos na mapasasaya ang ating mga kababayan.

Ginawa ng outgoing president ang panawagan kasabay ng paglulunsad ng housing projects para sa ilang mga benipisyaryo.

Aniya, kagaya ng mga ipinagkaloob na pabahay, dapat ay maipakita ng gobyerno na mayroong magandang napatutnguan ang kaban ng bayan.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published.