NAGA CITY- Siniguro ng Department of Public Works and Highways (DPWH) 3rd Engineering District ang inspeksyon sa mga tulay at gusali kasunod ng mga usapin sa lindol at The Big One.
Sinabi sa Brigada News FM- Naga ni Jezaniah Manaog- Bonot na matapos ang lindol otomatikong nagkakaroon ng inspeksyon, kung wala namang lindol iniisa-isa nila ang inspection request. Bukod dito binubisisi din ang mga on going contractions at completed project na. Sa ngayon aniya wala namang nakitang napaka delikadong lugar natapos ang 6.0 magnitude na lindol sa Masbate.
Sa Kongreso , iginiit ni House Speaker Martin Romualdez na dapat paghandaan ng pamahalaan, lalo pa ang mga first responders ang “The Big One” sa bansa, lalo na sa Metro Manila.
Sinabi naman ng architect at kilalang urban planner Felino “Jun” Palafox Jr. na dapat i-update the National Building Code.