DWSD, nagbabala sa kumakalat na listahan ng 4Ps sa social media

Naglabas ng babala ang pamunuan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kaugnay sa kumakalat na listahan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps beneficiaries at schedule ng distribusyon sa social media.

Ayon sa ahensya, hindi ito lehetimong nagmula sa kanilang tanggapan at ito’y mariing paglabag sa Data Privacy Act kaya hindi magagawa ng DSWD na ilabas ang publiko ang ganoong mga sensitibong impormasyon.

Dagdag pa ng nasabing departamento, mayroon ng cash card mula sa Land Bank ang mga benepisaryo ng 4P’s kung saan direktang ipinadadala ang grants.

Dahil dito, pinaaalalahanan ng DSWD ang publiko na huwag basta-basta maniniwala sa post ng hindi lehetimong account at habang sinusubukan ng alamain kung sino ang nasa likod ng facebook page na nagsi-share pa ng link umago ng ng mga makatatanggap at ang schedule ng payout ng 4P’s.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *