E-Sabong worker, tiklo habang nagbabawas sa Cebu

ISANG ONLINE cockfighting (e-sabong) worker ang bumagsak sa mga otoridad habang sinasagot niya ang tawag ng kalikasan sa bulubunduking barangay ng Bugho sa bayan ng San Fernando, southern Cebu.

Si Don Cesar Caballero, 22, may live-in partner at residente ng Barangay Lagtang, Talisay City, ay pinosasan ng mga pulis, habang nakaiwas sa pagkakaaresto ang pito pa niyang kasama.

Hindi na nakatakas si Caballero dahil dumudumi pa ito sa loob ng palikuran nang dumating ang mga pulis at hindi na nga ito nabigyan ng pagkakataon na makapaghugas.

Sinabi ni Caballero na isang linggo na siyang nagtatrabaho sa isang farm, na tumatanggap ng suweldong P500 kada araw.

Aniya, hindi bababa sa 200 sabong ang kaya nilang gawin araw-araw.

Pinangunahan ni Colonel Fidel Fortaleza Jr., hepe ng Regional Anti-Cybercrime Unit-Central Visayas (RACU 7), ang operasyon kasama ang mga operatiba ng Regional Intelligence Division, Regional Mobile Force Battalion at Provincial Intelligence Unit ng San Fernando Police Station.

Nasamsam sa raid ang mga camera, 128 live fighting cock, 28 patay na tandang, bet money, computer at iba pang kagamitan sa ICT.

Mahaharap si Caballero sa kasong paglabag sa Presidential Decree (PD) 449 (Illegal Cockfighting) at PD 1602 (Illegal Gambling) // BNFM CEBU | MICHELLE CRASTE
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *