E-visa system para sa mga Indian nationals, pinarerepaso ni PBBM

Nais ni Pangulong Bongbong Marcos na padaliin ang proseso ng e-visa transactions ng mga Indian nationals.

Ginawa ng Pangulo ang direktiba kahapon sa ginanap na meeting ng Private Sector Advisory Council o PSAC- Tourism sector group sa Palasyo ng Malacanang.

Ayon kay Pangulong Marcos mas maeengganyo ang mga Indian nationals na bumisita sa bansa kung hindi pahirapan ang pag secure ng visa.

Sa ilalim daw kasi ng kasalukuyang e-visa system, required ang mga Indian nationals na magkaroon ng personal appearance sa Philippine embassy sa New Delhi na umaabot ng halos isang buwan.

Inirekomenda naman ni Lucio Tan, ang President and CEO ng LT Group at myembro ng PSAC na kumuha ng 3rd party service provider na syang mag e-establish, magpapatakbo at mag mi-maintain ng e-visa system, sa ilalim ng guidance ng kinauukulang ahensya ng gobyerno.
Ipinunto ng PSAC-Tourism group na mahalang ma-improve ang e-visa system sa mga Indian nationals upang mas mapalakas ang tourism industry sa bansa.

Lumalabas kasi na ang mga Indian nationals ay “repeat visitors” na gumugugol ng average na 8 nights sa Pilipinas at gumagastos ng 100 dollar per person per day kapag sila ay nasa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *