Early registration ng DepEd Bicol, nagpapatuloy

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Department of Education (DEPED) Bicol na nagpapatuloy ngayon ang kanilang early registration sa mga paaralan sa rehiyon.

Ayon kay DEPED Bicol Spokesperso, Mayfor Jumamil, higit 100,000 mga mag-aaral na ang nakilahok at nagparehistro para sa AY 2023-2024.

Ang early registration ay taunang aktibidad na isinasagawa ng kagawaran upang matiyak na nakapagparehistro ang kindergarten, grade 1,7, at 11.

Aniya, makatutulong ang early registration sa mga magulang na makapagdesisyon pagdating sa edukasyon ng kanilang mga anak.

Layunin nito na makiapagbigay ng kaukulang paghahanda, adjustment para sa pasukan at makita ang bilang o populasyon ng mga estudyanteng papasok para sa susunod na school year.

Sa datos ng ahensya umaabot sa 39, 830 ang kinder; 67,320 ang Grade 1; 35,000 ang Grade 7; at 42,885 ang Grade 11.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *