Early registration ng DepEd, extended hanggang sa Mayo 31

Tatatanggap ang Department of Education (DepEd) ng mga estudyante para sa early registration para ngayong school year, hanggang sa katapusan ng Mayo.

Ayon kay Education Undersecretary for Planning, and Human Resource and Organizational Development Jesus Mateo na ang early registration para sa school year 2021-2022 ay extended para bigyan ng mas mahaba pang panahon ang mga magulang na makapaghanda.

Ang DepEd ay nagsasagawa ng early registration sa pamamagitan ng Facebook chats, text messaging, at drop boxes sa mga paaralan.

Samantala, sa gitna naman ng early registration campaign sa buong buwan ng Abril, naitala ng ahensya ang 933,070 kindergarten pupils; 1,502,900 para sa first graders; 1,069,856 para sa seventh graders, at 809,217 Grade 11 students, dahilan para makuha ang kabuoang 4,315,046 na mga estudyante.

Giit ni Mateo, isang malaking achievement para sa Deped na makuha ang 92% sa loob ng naturang period kumpara noong nakaraang taon, sa kabila ng mga hamon gaya ng restrictions at internet connection issues ng mga magulang. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *