Early registration ng DepEd, hanggang bukas na lang; Bicol region nakapagtala na ng mahigit 267k enrollees

BNFM BICOL—Hanggang bukas na lang, Abril 30 ang pagsasagawa ng Early Registraton ng Department of Education (DepEd) kung kaya patuloy na hinihimok ng ahensya ang mga magulang na iparehistro na ang kanilang mga anak.

Sa tala ng DepEd Bicol hanggang ngayong araw, Abril 29, umabot na sa 267,483 ang kabuuang bilang ng mga estudyanteng nakapagparehistro sa ilalim ng early registration program.

Pinakamarami nito ay sa Grade 1 na mayroong 95,732; sinundan ng Kindergarten na mayroong 59,138; Grade 7 na may 57,306 at Grade 11 na may 55,307.

Sa kabuuang 3,914 na public elementary at secondary schools sa rehiyon, nasa 3,787 ang participating schools o katumbas ng 96.76%.

Pinuri naman ng DepEd ang 11 mga School Division Offices na nakuha ang 100% participation ng kanilang mga sakop na eskwelahan.  Kabilang rito ang Albay, Camarines Norte, Catanduanes, Iriga City, Ligao City, Legazpi City, Masbate City, Naga City, Sorsogon, Sorsogon City at Tabaco City divisions.

Abiso ng DepEd, tatanggap sila ng early registrants hanggang bukas, Abril 30.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *