Earth day clean-up drive sa Legazpi City, isinagawa; mahigit 100 kilo ng basura, nakolekta

LEGAZPI CITY – Isinagawa sa Brgy. Rawis at Arimbay ng lunsod ng Legzpi ang isang clean-up drive bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Earth Day noong nakaraang Sabado, Abril 22.

Tema ng nasabing aktibidad ang “Invest in our Planet. Act Boldly. Innovate Broadly. Implement Equitably”, kung saan ito ay nilahukan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Bicol, Mines and Geosciences Bureau (MGB) at ilang mga opisyal at mga residente ng nsabing mga barangay.

Nilalayon ng aktibidad na itaas ang kamalayan sa mga isyu sa marine debris, kahalagahan ng pagprotekta sa planeta at sa likas na yaman at hikayatin ang mga tao na makisali sa pangangalaga sa kapaligiran.

Sa clean-up drive na ito, humigit-kumulang 100 kilo ng mga basura ang nakolekta, at ito ay pangunahing binubuo ng mga rugged cloth, Styrofoam, food wrapper, mga pakete, at marami pang iba.

Hinihimok naman ng DENR Bicol ang publiko na aktibong lumahok sa mga pagsisikap ng pamahalaan sa pagtugon sa mga problema sa kapaligiran at simulan ang pamumuhunan sa planeta.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *