Earthquake drill na isinagawa ng PDRRMC sa kapitolyo, hone to perfection na – PDRRMO Rivera

Nakilahok ang Provincial Disaster Risk Reduction Management Council – Isabela sa isinagawang 2nd quarter ng National Simultaneous Earthquake Drill kahapon June 10,2021.


Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay PDRRM Officer Retired PBGen. Jimmy Rivera, malapit na umanong maging perpekto ang isinasagawang earthquake drill sa kapitolyo kung saan mga empleyado rito ang lumahok.


Aniya, base sa pagganap ng mga empleyado ay kabisado na umano ng mga ito ang isinasagawang aktibidades sa earthquake drill.


Ikinatuwa naman niya na sineseryoso na ng mga empleyado ang nasabing drill kung saan nagiging mas handa na sila.
Layunin ng naturang aktibidad na magkaroon ng awareness ang publiko kung ano ang mga dapat na gawin upang maging handa sa oras ng lindol.

Kaugnay dito, hinikayat ng opisyal ang mga local chief executives na manduhan ang mga local DRRMO at barangay official na turuan ang mga residente sa kanilang nasasakupan ng mga preventive measures upang maging handa sa kalamidad.


Samantala, maari namang bisitahin ang website ng Phivolcs upang malaman mga paghahanda tuwing may lindol at hinikayat ang mga magulang na ituro ito sa kanilang pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *