Earthquake mapping para sa posibleng fault extensions sa Albay, isinagawa

LEGAZPI CITY – Sinimulan na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) katuwang ang Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) ang pagsasagawa ng earthquake mapping upang pag-aralan ang mga posibleng fault extensions sa ilang bahagi ng Albay.

Layunin nito na mapahusay ang paghahanda sa sakuna at mabawasan ang panganib tuwing magkakaroon ng lindol.

Nagsimula ito kahapon at nakatakdang magtapos bukas, Setyembre 28.

Ayon kay APSEMO Head Dr. Cedric Daep, target ng grupo ng mga eksperto mula sa PHIVOLCS ang Albay Gulf at iba pang lugar sa loob ng Albay.

Ipinaliwanag pa ni Dr. Daep ang kahalagahan ng pagsisikap na ito, na binibigyang-diin ang pangangailangang tukuyin ang mga posibleng extension ng fault, partikular sa kahabaan ng siyudad ng Legazpi o sa bayan ng Sto. Domingo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *