Easterlies, magdadala ng kalat-kalat na pag-ulan sa Visayas, Caraga, Davao Region

Magdadala ang easterlies ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Eastern Visayas, Caraga, at sa Davao Region.

Dahil dito, nagbabala ang weather agency sa mga apektadong residente laban sa posibleng flash floods o landslides sa oras ng katamtaman hanggang sa malakas na ulan.

Ayon sa Pagasa, asahan rin na magdadala ang easterlies at localized thunderstorms ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rainshowers sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa.

Posible rin umano ang flash floods at landslides.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *