Eastern Indonesia niyanig ng 7.0-magnitude na lindol

Niyanig ng 7.0 magnitude na lindol ang Eastern Indonesia ngayong hapon ayon sa ulat ng US Geological Survey.

Ang offshore earthquake ay tumama malapit sa Maluku islands bandang 1:06 ng hapon.

Ang epicenter ng pagyanig ay matatagpuan 150 kilometers hilagang-kanluran ng Halmahera island na may lalim na 48 kilometro.

Walang naiulat na nasawi o malaking pinsala matapos ang lindol.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *