Econ managers, mga senador, nagkasundo na i-adjust ang taripa sa karne, MAV

Nagkasundo ang mga miyembro ng economic team ng gobyerno at ang Senado na i-modify ang tariff rates para sa imported pork products sa ilalim ng Executive Order (EO) No. 28, na nilagdaan para matugunan ang isyu sa suplay ng karneng baboy.

Ayon kay Agriculture Chief William Dar, inirekomenda umano nila na ang taripa sa EO 128 ay mai-adjust sa 10% in-quota at 20% para sa out-quota para sa unang tatlong buwan, at 15% in-quota at 25% out-quota para sa natitirang siyam na buwan.

Maliban dito, nagkasundo rin ang parehong partido na ibaba ang minimum access volume (MAV) mula sa 404,000 metric tons (MT) sa 254,210 MT.

Dagdag ni Dar, ang modifications sa EO ay layuning mapigilan ang inflationary impact sa mga Filipino consumers dahil sa pagbaba ng suplay ng karne. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *