Economic growth ng Bicol Region, sumipa sa 8.1% sa taong 2022 – PSA Bicol

LEGAZPI CITY – Nakapagtala ng paglago sa ekonomiya ang rehiyong Bicol sa taong 2022 na may 8.1% Gross Regional Domestic Product (GRDP) kumpara sa 4.3% noong taong 2021 batay sa isinagawang 2022 Report on the Economic Performance ng Philippine Statistics Authority (PSA) Bicol kahapon.

Sa datos ng ahensya, nasa Rank 5 ang Bicol base sa economic growth ng bawat rehiyon sa bansa, kung saan ito ay mula sa ikalawa sa pinakamababang economic growth noong 2021.

Nakapag-ambag ito ng 2.9% sa Gross Domestic Product ng buong bansa.

Sa kabuuan, services ang may pinakamataas na porsyento ng ambag sa economic growth sa rehiyon na may 4.5%; sinundan ito ng industry na may 3.5%; at agriculture, forestry and fishing na may 0.4%.

Sa ilalim ng services, naitala na may pinakamataas na porsyento nito ay ang wholesale and retail trade, repair of motor vehicles and motorcycles na may 12.6%; construction naman sa ilalim ng industry na may 18.4%; habang ang agriculture, forestry and fishing naman ay may 15.8%.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *