Economic managers – kumambyo sa ‘pagkagulat’ sa price cap

Nagkakaisa pa rin naman daw ang economic managers pagdating sa naging direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos na price ceiling sa bigas sa merkado.

Ito ang ginawang paglilinaw ni Budget Sec. Amenah Pangamdaman matapos ang naging ‘isyu’ sa Executive Order No. 39 nang sabihin ni Finance Sec. Benjamin Diokno na hindi raw pala nakonsulta ang economic team dito.

Sabi ni Pangamdaman, full-support pa rin daw ang iba’t ibang member-agencies ng economic managers sa price cap ni Marcos.

Aniya, ito raw ay ang epektibong paraan para magkaroon ng ‘active stop gap’ na maga-address sa kasalukuyang sitwasyon ng bigas sa merkado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *