ECOP, iminungkahing kumuha ng pondo para sa Maharlika fund mula sa mga buwis ng POGO

Nagmungkahi ng ibang sources ang employers group na maaring maikonsidera ng mga mambabatas para mag-finance ang kanilang panukalang Maharlika Wealth Fund.

Isa na dito ang buwis mula sa Philippine offshore gaming operators.

Mababatid na ang offshore gaming licenses ay subject na ngayon sa 5% tax sa gross gaming revenue, habang mga dayuhan na employed ng POGO o ng kanilang service provider ay kailangan ding magbayad ng 25% withholding tax sa gross income, habang 25% regular income tax naman ang ipapataw sa nongaming revenue ng operator.

Una nang sinabi ng Bureau of Internal Revenue na ang kanilang nakolekta mula sa naturang buwis noong Enero hanggang August 2022 ay nasa P4.4 billion, na malayo mula sa naunang inaasahan.

Una nito, inamyendahan ng mga authors ng House Bill 6398 ang ilang mga probisyon ng sovereign fund kung saan tinanggal ang Social Security System at Government Service Insurance System bilang sources ng pondo. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *