ECOP, naniniwalang di pa rin makakatulong ang ipatutupad na alert level system sa pagbangon ng ekonomiya

Naniniwala ang Employers Confederation of the Philippines (ECOP) na hindi pa rin tuluyang makakabangong ang ekonomiya ng bansa ngayong ipapatupad ang alert level systems with granular lockdown sa Metro Manila.

Ayon kay ECOP President Sergio Ortiz-Luis Jr., mahigpit pa rin naman ang mga restriksyon na ipatutupad dahil hindi naman aniya ito parang general community quarantine (GCQ) kundi katulad pa rin ng modified enhanced community quarantine (MECQ).

Ipinunto ni Ortiz-Luis na kung hindi pa rin naman gagalaw ang pamahalaan para gumawa ng mas epektibong hakbang, marami pa rin aniya ang mamamatay sa gutom dahil sa kawalan ng trabaho.

Mababatid na mas maraming establisyimento at negosyo na ang papayagang makapagbukas sa ilalim ng Alert level 4 na ipapatupad sa Metro Manila simula bukas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *