Edad 25-anyos pababa, obligadong dumalo sa mga pre marriage orientation at pre marriage counseling

Binigyang diin ng Sorsogon City Population Office na kung pagbabasehan ang Responsible Parenthood and Family Planning o RPFP ay obligado ang mga magkapareha o mga magpartner na may edad 25-anyos pababa na sumailalim sa iba’t ibang uri ng orientation at counseling pagdating sa pag-aasawa.

Sa panayam ng Brigada News kay City Population Officer Shiela Gumba, sinabi nito na patuloy ang kanilang pagsasagawa ng mga naturang aktibidad upang maagapan ang hindi planadong pagpapamilya lalo na sa mga ganitong edad upang maagapan ang maraming bilang ng anak na madalas na nagreresulta sa iba’t ibang problema partikular ang kahirapan.

Aniya, kahit ang nasabing patakaran ay kabilang na sa mga requirements na kailangang sundin ng mga magpapakasal sa pagkuha ng kanila-kanilang Marriage Certificate ay mahalaga parin umano kung ibaba ito sa mga barangay upang maituro sa mga magkakapareha lalo na ang mga hindi pa kasal at kulang ang kaalaman sa tamang pagpapamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *