EDCA, patuloy na dumaraan sa review – BBM

Kinumpirma ni Pangulong Bongbong Marcos na nagpapatuloy pa rin ang mga konsultasyon at pagre-review sa mga proposals para sa Enhanced Defence Cooperation Agreement o EDCA sa pagitan ng Amerika at ng Pilipinas.

Sa pagharap ng Pangulo sa mga media matapos ang pagbisita nito sa KADIWA ng Pasko Caravan sa Quezon City, sinabi ni Marcos na palaging nage-evolve ang mga nilalaman ng EDCA.

Aniya, inaaral pa rin sa ngayon kung alin ang mga dapat panatiliin, ‘o ‘di kaya nama’y mga dapat tanggalin sa ilalim ng naturang defense treaty ng Amerika at ng Pilipinas.

Matatandaaang kabilang ang EDCA sa mga napag-usapan nina Marcos at ni US Vice President Kamala Harris sa pagbisita nito ng bansa.

Dito ay sinabi ng US official na otomatikong mati-trigger ang mutual defense treaty (MDT) sa oras na magkaroon ng ano mang pag-atake sa mga teritoryo ng Pilipinas.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *