EDSA traffic, naresolba na ayon sa Pangulo

Ibinida ni Pangulong Rodrigo Duterte na naresolba na ang matinding traffic congestion sa kahabaan ng EDSA sa interview nito kasama si Pastor Apollo Quiboloy.

Ayon sa Pangulo, krisis na maituturing ang matinding trapiko sa EDSA nang magsimula ang kanyang termino.

Pero ngayon ay sinabi ng Punong Ehekutibo na maluwang na ang sitwasyon sa EDSA dahil na rin sa payo sa kanya ni Transportation Secretary Arthur Tugade na humiram ng pera para sa iba’t-ibang proyekto.

Iginiit ng Pangulo na ibinuhos niya ang mga grants na natanggap ng bansa sa mga proyekto na magpapaluwang ng trapiko sa EDSA.

Mababatid na na-decongest ang EDSA matapos makumpleto ang 18-kilometer Metro Manila Skyway Stage 3 project kung saan ay nakonekta ang northern at southern portion ng Metro Manila.

Naaprubahan ang naturang proyekto noong September 2013 sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Benigno Aquino III.

Inanunsyo naman ng conglomerate na San Miguel Corporation, na nagsilbi bilang private developer ng proyekto, ang completion ng Skyway noong October 2020, habang opisyal naman itong nabuksan noong January 2021.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *