Educational assistance, ipapamahagi ng LGU Camalig para sa mga mag-aaral

LEGAZPI CITY – Makakatanggap ng educational assistance ang mga financially challenged na mga mag-aaral ng kolehiyo at senior high school alternative learning system (ALS) sa Camalig, Albay mula sa LGU nito.

Nakasaad sa impormasyong inilabas mula sa lokal na pamahalaan na ang mga makakatanggap lamang ng nabanggit na asistensiya ay ang mga Pilipinong mag-aaral na residente ng bayan; mayroong at least 85% na general weighted average (GWA); hindi kabilang sa anumang scholarship o educational assistance program sa ilalim ng isang pribado o ahensya ng gobyerno; hindi miyembro ng 4Ps; at kinakailangang magpakita ng patunay na naka-enroll sa isang kolehiyo o pamantasan para sa mga college students.

Ilan sa mga dokumentong kinakailangang dalhin upang ma-avail ito ay ang duly accomplished application form, certificate of indigency mula aa baragay, certified true copy ng COR o COG mula sa paaralang kinabibilangan at kopya ng school ID.

Ang mga interesadong aplikante ay maaari nang magpasa ng mga dokumento hanggang Nobyembre 21, alas 9 ng umaga hanggang alas 12 ng tanghali sa MPDO.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *