EDUCO Philippines, nagsagawa ng pagpupulong sa Legazpi City

LEGAZPI CITY – Nagsagawa ng pagpupulong sa Legazpi City ang EDUCO Philippines upang bigyang-pagkilala ang naging tulong ng lungsod sa pagpapaabot ng mga programang makakatulong sa mga kabataan.

Ang nasabing pagpupulong ay nilahukan ng mahigit 100 mga community volunteers ng EDUCO Philippines.

Ayon naman kay Program Director, Marlon Villanueva, marami ang natulungan ng kanilang organisasyon sa loob ng 15 taon na pagbibigay ng tulong sa Bicol partikular na sa mga lalawigan ng Albay, Catanduanes, at Sorsogon.

Sa isinagawang pagpupulong, binigyang-diin na prayoridad nila nag Child Protection laban sa child labor.

Sa tulong naman ng Department of Labor and Employment (DOLE), susuportahan naman ang mga bata pagdating sa pagbibigay ng educational assistance lalung- lalo na sa pagprotekta sa mga kabataan.

Ang EDUCO ay miyembro ng ChildFund Alliance, isang global development NGO na naglalayong ipagtanggol ang karapatan ng mga bata at itaguyod ang sustainable social change sa lipunan sa pamamagitan ng pagpapabuti ng mga kondisyon ng pamumuhay ng mga vulnerable na populasyon, lalo na ang mga kabataan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *